Sa Pangkabuuan: Maaaring magdulot ng pagkabulunan ang isang pagkain para sa mga sanggol at  mga bata, lalo na kung hindi nila ito nginuya ng tama o sinubukan itong lunukin ng buo. Maaaring mangyari ang pagkabulunan sa ano mang pagkain, ngunit mas maaari itong mangyari sa mga “matitigas na pagkain” na mayroong mga buto o iba pang mas matigas na sangkap, at mga  maliliit na pagkaing pabilog  ay mas madaling magbara sa lalamunan. Kailangang magsagawa ng mga alituntunin upang mabawasan ang mga ng panganib na mabulunan mula sa mga piling pagkain.

Bawasan ang panganib ng pagkabulunan sa pagkain

Sa pangkalahatan, hindi dapat ibigay ang ibang mga pagkain sa mga batang mas mababa sa 5 taong gulang ang edad, kabilang na ang konjac (matigas) jelly,  mga kakanin, fish ball, chewing gum, marshmallow, matigas o madikit na mga kendi, mga cube ng yelo, buong  mani, at peanut butter at nut na palaman na maaaring kainin agad nang hindi ipinapahid.

Mga alituntuning maaaring gawin upang mabawasan ang panganib ng pagkabulunan mula sa mga piling pagkain na kinakain ng mga bata:

Ligtas na gawain  habang kumakain

Kailangang alam ng mga tagapangalaga kung ano ang dapat gawin kung ang bata ay  nabubulunan. Naglimbag ang Tanggapan ng Pangunahing Pangangalaga ng Kalusugan ng Kawanihan ng Kalusugan (The Primary Healthcare Office of the Health Bureau) ng mga payo sa pangunahing pagtugon sa pagkabulunan ng mga bata (mababasa ito sa wikang Tsino lamang). Para sa mga batang dumaranas ng kahirapan sa paglunok dahil sa mga tukoy na kondisyong medikal, kailangang  magsaayos ng espesyal na diyeta upang mabawasan ang antas ng panganib ng  pagkabulunan. Mangyaring humiling ng medikal na payo mula sa isang speech therapist o iba pang  mga dalubhasang katumbas nito.

Mga Naaangkop na Impormasyon