Sa ating pagtanda, ang ating immune system at ang ating mga natural na depensa laban sa mga sakit ay patuloy na humihina. Ang iba ay nagkakaroon ng matinding paghina ng kanilang immune system, lalo na kung sila ay tinamaan ng mga matitinding karamdaman, tulad ng diabetes, mga kumplikasyon na dulot nito o ang mga paglunas dito. Sa oras na maimpeksyon ng pathogen mula sa pagkain, ang mga matatanda ay maaaring magkaroon ng mas malalang sintomas na posibleng maging mapanganib sa kanilang buhay. Kailangang umiwas ang mga matatanda sa pagkain ng mga pagkaing nakakasama sa kanila.
Hilaw o Hindi Masyadong Lutong Pagkain
Ang mga hilaw o hindi masyadong lutong pagkain ay may mataas na antas ng panganib na uri ng pagkain, dahil wala o hindi sapat na init nito upang patayin ang mga mikrobyo na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga tao. Kailangang umiwas ang mga matatanda mula sa pagkain ng mga ito. Pindutin ito (Available lamang sa Ingles at Tsino) upang basahin ang tungkol sa hilaw o hindi masyadong lutong pagkain.
Panganib na Mahirapan Huminga
Ang mga matatanda na hirap na sa pagnguya o paglunok ay may mas mataas na posibilidad na mabulunan sanhi ng pagkain ng mga tukoy na pagkain na maaaring magdulot ng kahirapan sa paghinga:
-
Ang mga pagkain na maliit at hindi madaling matunaw (hal. konjac jelly sa mga maliliit na tasa)
-
Maliit na matigas na pagkain (hal. mga mani, hilaw na piraso ng karot at mga buto ng Sunflower)
-
Maliit na bilog / hugis itlog na pagkain (hal. ubas, gisantes)
-
Mga pagkaing may balat / dahon (hal. sausage, letsugas, nectarine)
-
Mga napipisang pagkain (hal. hotdog, marshmallow, chewing gum)
-
Malalapot na paste (hal. chocolate spread, peanut butter)
-
Mabuhok / mahiblang pagkain (hal. kintsay, hilaw na pinya)
Upang mabawasan ang panganib na mabulunan dahil sa pagkain, habang naghahanda ng pagkain para sa mga matatanda, pinapayuhan ang mga tagapangalaga na:
-
Baguhin ang gaspang ng pagkain sa pamamagitan ng pagpino, pagdurog, pagluto, pagbalat o pagtanggal ng mga makakapal na hibla.
-
Bilang halimbawa, hindi dapat hayaan ng mga tagapangalaga na kumain ng konjac jelly ang mga matatanda sa pamamagitan ng paghigop, sa halip ay putulin ang mga jelly sa malilliit na piraso bago kainin.
-
Iwasang magbigay ng pagkain na mahirap baguhin ang gaspang (hal. Maliit na matigas na pagkain) sa mga matatanda.
Mga Taong Hirap sa Paglunok
Ang ibang mga tao ay maaaring makaranas ng kahirapang lumunok dahil sa mga tukoy na kundisyong medikal, tulad ng istrok. Kailangang maghanda at magsaayos ng espesyal na diyeta upang mabawasan ang panganib ng pagkabulunan. Mangyaring humanap ng payong medikal mula sa speech therapist o iba pang katumbas na eksperto.
Naaangkop na Impormasyon
- Mapanganib na pagkain (Available lamang sa Ingles at Tsino)
- Mga Polyetong Pang-edukasyon